10.09.09

Sabado …

Posted in Photoblogs and stuff at 12:57 pm by jceasar0118

Actually Friday ngayon, gusto ko lang tawaging Sabado ang title ng blog ko. 

Ang bilis ng araw parang kailan lang bored na bored ako sa Philadelphia, parang kailan lang lahat perpekto, ngayon lahat sa buhay ko magulo, walang sigurado.  I can’t wait for next year, tingin ko sa next year bagong buhay, lahat ng mali na ginawa ko itatama ko.  Hindi katulad ngayon, lahat ng sabihin ko nagsisimula sa “sana”. Sana buhay pa si Dete, sana magkasama pa si Nanay at si Daddy, sana kasama ko si Mobley, sana hindi na lang … sana hindi mali.

Gusto kong bumalik sa France.  Tumakbo sa realidad sa present na kinalalagyan ko. Gusto kong maglakad sa gilid ng Seine River, sumakay sa Bato Bus, magkape sa Place de Saint Michel. Gusto kong bumalik sa mga Museo, mamangha sa mga paintings nila Renoir at Van Gogh. Bakit ba ang painting ni Van Gogh kapag tinitingnan ko nakakaramdam ako ng lungkot. Weird, dapat joy.  Gusto kong maglakad sa Champs de Mars, I don’t get the pressured to say “Hi, Hello, How are you” sa mga nakakasalubong ko. Ang America eh punong-puno ng superficial na tao, na ang pagsasabi ng “How are you” ay akin or similar sa paghinga pero in reality wala naman silang pakialam kung mamatay ka o maghirap ka.

Di ako cynical, pragmatic lang. Sabi nga ng boss ko ang attitude ko raw eh “as a matter of fact.” Di ko naman masabi sa kanya, anong gusto mo tumulad ako sa’yo sa attitude mo na scandalous at plastic.  Hindi maintindihan ng boss ko how to asunder friendship from being part of the management. Siguro nga marami pa siyang dapat matutunan.

Ang hilig ko sa photography. Ang photography walang hilig sa akin. Ang dami ko ng nabiling gadget, marami na akong lens. Pero ngayon ko na-realized ang photography, one aspect lang ang gadget, mas importante ang composition. Kaya eto back to basic ako, bago ko intindihin ang ISO, ang focal length, white balance, intindihin ko muna bago ko nagustuhan ang photography–and that is to capture a story. Composition muna ineng bago exposure.

Enjoy ang Facebook, may mga kaibigan akong nahanap, may mga kaibigan pa rin akong hinahanap. Mayruon akong kaibigang nahanap pero ayaw na niyang bumalik o ayaw na niyang ibalik ang friendship. Inamin ko sa kanya na nami-miss ko siya.  Ganuon yata talaga, karma ang tawag duon, kasi may kaibigan akong pilit kong tinatakbuhan at hindi ko masabi sa kanya ang reason. Isa kasi akong duwag. Tumanda akong duwag.

Mahaba na pala eto. Supposed to be nagta-trabaho ako. Pero ang utak ko ang siyang amo, kapag ayaw gumana, ayaw talaga. Di ko naman sino-short change ang employer ko. kasi kung di man ako magtrabaho ngayon, I am sure this weekend, maglo-log in na naman ako sa gotomypc para tapusin ang trabaho kong hindi nagawa. 

Bukas Sabado, araw ng paglilinis, paggro-grocery at kung ano pang errands. Dapat weekends pahinga, pero ang weekends extension din ng trabaho.  Same old, same old. Kala ko pa naman maiiiba kasi akala ko dadalaw sila bro. napurnada tuloy ang melting pot ko. 

Leave a Comment

You must be logged in to post a comment.